Wednesday, 7 September 2011

Ichi The Killer (2001)

Repost from 11/08/08:

Sadista kontra masokista, san ka tataya? Eto yata yung pinakasikat na brutal movie ni Miike. Medyo spine-tingling din yung isang scene ayoko sabihin ano basta ewww siya pero I have had worse. Hindi na yata ako tinatablan sa mga ganitong palabas and annoying pa si Ichi hindi tulad sa manga na medyo kaawa-awa pa. Si Kakihara naman medyo astig dito where in fact sa manga asshole siya at medyo old kumag na ansarap saksakin. Iba yung ending dito iba din sa manga talaga kasing kinompress yung movie para medyo in line sa manga. Mas maganda sana kung ni-retain nila yung storyline tapos gayahin nila style ng Death Note i-divide ang movie to three parts. May character dun named Jijii na talagang sobrang tawa ako sa fight scene niya medyo comedic at unexpected talaga. Yung plot na sinimulan hindi natapos parang bigla na lang nawala at kinalimutan. Biglang nag-iba yung takbo ng storyline.

All in all, collector's watch lang ito kung mahilig ka sa torture at gory movies. Talagang unsafe for work siya, kung gusto mo manood ka na lang ng A Very Special Love nyahahaha!


Overall: 3/5

No comments:

Post a Comment